"Isang Mahabang Araw sa buhay ng Boluntaryo"



FB_IMG_1617925720371.jpg


Photo Details

📷 Sony Xperia Burstshot 📸


Magandang Araw po sa inyong lahat. Andito na naman si @uwanderer, na magbabahagi sa inyo ng panibagong maikling kwento sa buhay sa boluntaryo.

Ang buong araw ng mga boluntaryo ang naging okupado dahil sa paghahanda sa mga nalalapit na naman na outreach.

Karamihan sa mga boluntaryo ay gumagawa ng donation drive para sa outreach sa mga bata sa evacuation center, sa person with disabilities shelter, sa urban poor at slums area, sa mga nasa komunidad na malalayong kabukiran sa mindanao.

Bago mag simula ang lahat ng mga gawain tayo muna ay mag almusal. Nais ko ibahagi sa inyo ang ating simpleng almusal.


FB_IMG_1617925417415.jpg

(Isang itlog, cornbeef, at kamatis)


Pagka tapos mag almusal, agad na bumalik sa gawain ang bawat boluntaryo. Ang mga boluntaryo ay nahati sa apat na komponente.

Una ay networking at resource mobilizing. Sila ung tumatawag sa mga ka kilala nila para sumagawa ng donation drive.

Ikalawa ang taga errands and logistics. Sila ung mga taga pick up ng in kind donation or cash para mabili ang mga kailangan na materyales at mga sangkap.

Ikatatlo ang taga purchasing or taga bili ng mga materyales na kailangan sa outreach.

Ikapat ay ang taga organizing at taga repack. Para sistemado ang proseso at lahat ay makikinabang lalo na ung pokus sa outreach.

Sa paghahanda pa lang inabutan na kami ng tanghali. At nais namin ibahagi ang aming tanghalian.


FB_IMG_1617932063261.jpg

(Simpleng Tanghalian)


Matapos ang simpleng tanghalian ay balik ulit sa nasimulang gawain. Lahat ay naging bisi para maabot ang layunin ng outreach. Ang pamamahala ng ganintong gawain at hindi ma dali pero ang aming puso ay nasa mga taong nangngangailangan lalo na ang mga hindi naririnig at hindi nabibigyan ng tulong.

Naging mahirap sa mga boluntaryo dahil sa pandemya, kalusugan protokol, seguridad. At naging mahirap din sa mga boluntaryo dahil pa iba iba ung panahon, ung biglang init at ulan na naging sanhi ng sakit.

Pero lahat ng pagsubok na ito ay naka kaya ng mga boluntaryo dahil alam nila na ito ay para sa mga mga nangngangailangan. At ito ay isinasapuso naming lahat.

At dahil saging bisi kami inabutan kami nga hapunan. Ngayon naman ibabahagi namin ang hapunan namin. Isang simpleng pagkain ng mga boluntaryo.


received_133155028765017.jpeg

(simpleng hapunan)


Inabutan kami ng gabi sa preparasyon pero ma Ligaya kami kasi naabot namin ang kalahati ng aming layunin. Bukas ulit namin ipagpapatuloy ang resource mobilisation.

At dito po nagtatapos ang aming munting kwento sa buhay ng mga boluntaryo. Sanay na bigyan namin kayo ng ideya sa aming gawain.

Maraming salamat sa inyong panahon at oras. Ingat po kayo lagi at wag pabayaan ang sarili.

Maraming salamat sa mga taong sumuporta sakin.

@yumaie28 @long888 @olivia08 @loloy2020 @me2selah @g10a @atongis @mervamps @jurich60 @sarimanok @kneelyrac @joshuelmari

@steemcurator02 @steeamcurator01 @booming @booming04 @booming01 @sbi


Comments 0