THE DIARY GAME | 06262021 | πŸ§ΊπŸ‘š Laba day for me... πŸ‘—πŸ§Ί


Magandang araw sa lahat. Sana ang lahat ay maganda ang kalusugan at ang inyong araw.

Naging maaraw ngayon at dahil dito ay naglaba ako ng aming mga labahin.

eyeemfiltered1491987105067.jpg

Nagising ako ng mga bandang 6 ng umaga ngayon. Dahil sa biglaan lang din ang paggising ko ay di muna ako bumangon sa aking kama. Papikit pikit parin kaasi ako kahit na nagphophone na ako. Bumaba na ako ng mga bandang 6:40 na. Sinama ko nadin yung mga labahan nila dito sa taas. PInag-isipan ko kung lalabahan ko din ang aking kumot at mga punda pero dahil sa medyo madami ang mga nasa labahan ay di ko nalang sinama ang mga ito.
Pagka baba ko ay nagbukas muna ako ng mga pinto at mga bintana namin sa baba. Dahil nga sa maaraw ay naging maliwanagsa loob ng bahay kahit na walang nakabukas na ilaw. Sinegregate ko agad yung mga lalabhan ko. Ang inuna kong labahan ay yung mga itim at gray. Hiniwalay ko na din yung mga pantalon sa mga lalabhan, isinunod ko nalang ito pagkatapos ng first batch ng lalabhan ko.
Bago pa ako mag start maglaba ay gumawa muna ko ng kapeng barako gamit yuung coffee maker namin. Hinugasan ko muna yung sa lalagyan ng kape dahil sa andito parin yung last time na ginawa ko. Tinapon ko na yung batch na yon at hinugasan na ito. Ang tamang paghugas dapat nito ay gamit ang mainit na tubig. Di ko alam kumg bakit kailngan na mainit na tubig ang kailangan para hugasan ito, di ko din naman ito nasusunod minsan. Habang nagproproseso pa ito sa paggawa ng kape ay sinimulan ko na yung paglalaba ko.

Mga 10 ay nagluto na ako ng mga makakain namin ni ate. Nasampay ko na din yung dalawang batch ng mga nilabahan ko kaya naman ay nagluto na ko ng brunch namin ni ate. nagluto ako ng corned beef at chicken nuggets, medyo nasunog ko nga yung nuggets dahil napa lakas ko yung apoy. Bago ako kumain ay sinampay ko muna yung mga dekolor na nilabhan ko. Pagkatapos kong magsampay ay sakto namang nakababa na si ate, kaya direchong kain agad kami. Gutom na din kasi ako kaya..

Pagkatapos naming kumain ni ate ay nagpahinga muna kami ng sandalia t tumuloy na sa mga ginagawa namin. Naglinis na si ate ng loob ng bahay at ako naman ay naglinis ng likod ng bahay.
Natapos kaming maglinis ng mgabandang 4 na ang hapon. Nag simula kami ng mga 12:30 ng hapon at natapos kami sa paglinis ng mga 4PM. Naligo na agad ako pakatapos ng paglinis namin.

Glimmr.co.uk
Source

Umidlip muna ko ng sandali habang nagluluto si ate ng uulamin namin ngayong gabi.

Pagkatapos naming kumain ni ate ay nagtugtog ako ng keyboard/piano namin at gitara. Medyo natuwa ng ako sa gitara dahil sa madami akong nahulalan/nakapa na mga kanta sa pag laro ko dito kanina,

Take Lessons
Source


Comments 2


Nice write there @mikejosephortega, if you want your article to look more neat try to justify the text here's how https://goldvoice.club/steem/@dyrits/steem-it-1-how-to-justify-your-text

28.06.2021 00:33
0

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

28.06.2021 23:36
0