THE DIARY GAME | 06142021 | 🌞🌞🌞A Sunny (but not that hot) day in Bacoor🌞🌞🌞


Magandang umaga sa inyong lahat. 🌞🌞🌞

eyeemfiltered1492065049868.jpg

Naging maganda ang araw dito dahil di na umulan at naarawan na din yung mga halaman namin dito. Medyo na sobrahan na kasi sa tubig yung mga halaman dito saamin kaya medyo nasira na yung ibang halaman nila mama.

eyeemfiltered1448712203972.jpg

Nagising ako ng mga 5:20 ng madaling araw. Naunahan ko pa sila mama, na dapat ay maagang aalis ngayon, sa paggising. Umikot-ikot lang ako saaking kama at natulog na ulit. Nagising nalang ulit ako ng mga 6:45 ng nagising na si mama at ginigising na sila kuya at papa para maghanda na sa pag-alis papuntang Pasig.
Dahil nga sa hindi naman daw sila nag mamadaling umalis ay nagluto si mama ng makakain nila bago umalis. Nagluto siya ng natirang Chicken Franks at egg omelet namay halong kamatis at sibuyas. Di na muna ako kumain dahil maaga pa naman para kumain na ako. Nanood nalang muna ako ng Trese sa Tiktok dahil sa may nag post na din naman. Di din naman kumpleto yung mga naka upload dito pero ok na saakin yung mga napanood ko kasi medyo naintindihan ko naman na yung istorya kahil na paputol-putol.
Nakaalis na sila dito ng mga bandang 8:25 ng umaga.

Di ko nalang namalayan na 10:20 na ng umaga ng dahil sa panonood ko sa aking phone. Kaya naghanda na ako ng plato at mga gagamitin namin na utensils ni ate. Dahil sa tulog pa naman si ate ay kumain na lang ako muna. Pagkatapos kong kumain ay naghanda ako ng tchaa na iinumin ko. Nilagyan ko din ito ng black coffee at brown sugar.

Pagkatapos kumain ni ate ay nag work-out na ulit ako. Ilang linggo na din akong hindi na nagwork out simula ng pagpunta ko ng Pasig. Medyo nakakarain din kase yung nanggayi noon kaya din siguro di ako nagkaroon ng ganang mag workout, kahit pa gusto ko.
Ginamit ko na yung binili nil kuya na rubber mat, ni-try kong mag sit-ups pero onti lang ang nagawa ko. kailangan ko pa ng ilang araw para matuloy-tuloy ko ang pagsisit-ups at push-ups.

Mga bandang hapon ay naglaba na si ate ng mga shoes niya na di na niya masyadong ginagamit. Medyo naalikabukan na kasi ang mga ito kaya naman ay sinabihan na siya nila mama na hugasan na ang mga shies niya para magamit naman niya daw.

Nanood na kami ni ate ng dalawang part ng Batman na dinerek ni Christopher Nolan. Isa ito sa magandang version ng Batman dahil sa medyo realistic ang atake ng version na ginawa ni Christopher Nolan. Lalo na yung Joker na ginanap ni Heath Ledger. Ang ganda ng version niya ng Joker. Di mo talaga alam kung ano yung gagawin niyang sunod. Basta, ang ganda lang talaga ng pagdala niya sa kanyang ng role.

LADBibleSource


Comments 1


This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

15.06.2021 03:52
0