THE DIARY GAME | 06102021 | 😮😮📝 Answering Sudoku the right way, and its rules... 📝😮😮


Magandang araw sa lahat. Maulan na naman ngayong araw dito sa amin sa Bacoor. Kamusta sa inyo?

196594282_857404811792321_1356069818522427701_n.jpg

Naunahan ko pa yung alarm ko ngayon sa pag-gising. Mga saktong 7 ng umaga, nung pagkatingin ko sa aking phone. Di muna ako bumangon dahil akala ko ay mas late pa akong magigising ngayong araw, dahil sa late na akong nakatulog (Mga 4:45 na siguro yun ng madaling araw). Tumingin nalang ako sa mga social media accounts ko at email kung may mga updates na sa mga pinag apply-an ko ng trabaho. Pero wala pa ring nag-update saakin ngayong araw.
Nanood nalang ulit ako ng mga videos sa YouTube. May napanood ako, na nasa suggestion box lang ng account ko, na master ng sudoku. Ang ganda lang din nang content niya kasi nagsasagot siya ng mga unsolvable na sudoku, na sinend lang din sa kanya ng mga subcribers niya. Naglalaro kasi ako dati pa ng sudoku. Naging representative pa nga ako ng classroom namin noong elementary days ko. Nakakagulat lang kasi, di ko alam dati na parang chess lang pala yung pagsagot ng sudoku. May mga rules din pala na may distancec dapat yung mga numbers in each set of box. Basta medyo complicated kasi yung mga nalaman ko. Panoorin niyo nalang din kung gusto ninyong ma-entertain sa pag sagot niya.



Speaking of YouTube. You can subscribe to my channel. Even though I'm not posting anything new yet.

image.png


Continuing....
Hinintay ko nalang sila kuya yung magluto ng kakainin namin ngayon kasi tinatamad pa akong gumalaw ngayon. May plano nga sana akong maglaba ngayong araw pero di ko na antuloy kasi nga nagpuyat ako.
Mga bandang 10:15 siguro nung bumaba na ako. Nagluluto na si kuya ng uulamin namin na longganisa at pritong itlog. Nagprepare na lang ako ng table na pagkakainan namin. Medyo naging late din ang gising nila ni kuya dahil na din siguro sa lamig ng panahon ngayon. Buti nalang talaga ay malamig na ngayong mga nakaraang araw dahil tipid din sa kuryente namin dahil di nakami gumagamit ng AC namin dahil nga sa malamig na naman ang panahon. 📉📉📉

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na agad yuung mga pinag kainana namin ngayong araw at yuung mga hugasin kagabi. Pagkatapos kong maghuhgas ay tumingin ako ngmga bagay-bagay sa Shopee, pagtapos nun ay nanood lang ako ng mga videos sa TikTok.

Wala kaming masyadong ginawa ni ate ngayong araw kundi humiga lang at manood ng mga videos sa phone namin. Medyo wala pa kasi akong ganang mag-job search ngayon kaya medyo kalma lang muna ako ngayong araw. Medyo napa-isip nanaman kasi ako kagabi ng mga negative na bagay, nakakapagod lang talaga yuung pakiramdam na walang kumukuha sayo na mga companies sa pagjojobsearch ko ng mga nakalipas na araw. I know my weakness and strength but I think that it's not enough for them, the companies. Mostly that they need is an outspoken person, energetic (which is not me), talkative. I've been lonely for too long that I don't trust people that much in something that I think is important. I expect people to be as good as me to do a simple work to handle. Like I know what a specific person can do by just looking at them. And I'm right most of the time. If where in a group, it'll be really a give-and-take situation. I learn from you, you learn from me. Like that.


The Medium
Source

Comments 1


This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

12.06.2021 03:20
0