THE DIARY GAME | 06072021 | 📝📊 Taking my Online Job Assessment 📊📝


Magandang araw sa lahat. Sana'y naging maganda ang inyong araw kahit pa umuulan sa lugar niyo.

Nagissing ako ng mga 5 ng umaga. Tulad ng parati kong ginagawa ay binuksan ko lamang ang aking phone at nanood at tumingin ng mga bagong post ng mga finafolow ko sa mga social media accounts ko. Nanood lang ako ng mga nakakatawang videos sa YouTube.
Napansin ko na di parin gising sila mama ng mga oras na ito. Dapat kasi ay maaga silang aalis ngayon papuntang Pasig. Nagising sila ng mga bandang 6:30 na siguro ng umaga. Medyo nagmamadali na sila kasi nga dapat ay maaga sila ngayon.
Habang nagbibihis si mama ay ipinakit ako na yung mga facetowel na nakita ko sa Shopee. Napaka mura lang kasi nito para sa isang dosena kaya naman ay sinabihan ko sila mama na magoorder ako. Biglaang nag si walaan kasi yung mga facetowel namin dito sa bahay. Di namin alam kung naiiwan lang ba namin ito sa mga sinakyan namin o kaya naman ay di lang nadala ulit sa bahay.

image.png

Pumayag naman agad sila dahil alam naman nila na magagamit talaga ito. Nagbigay agad sila ng pera para saamin dalawa ni ate. May inordedr din kasi si ate sa Shopee kaya nanghingi na din siya ng pera kay papa.

Mga lagpas 8:30 na sila nakaalis nila papa. Pagka-alis nila ay naghanda na ako ng aking iinumin na green tea na may halo na chia seeds. Naka bili na kasi si kuya ng tea kahapon ng nag-grocery siya ng mga pagkain para sa bahay.
Pagkatapos kong mag handa ay nanood lang ako ng mga videos sa YouTube. Mostly ng mga pinanood ko ay mga videos ng CollegeHumor. Nakakatawa kasi yung mga contents nila, nakakatulong para makalimot ng sandali sa mga prinoproblema ko ngayon.

Screenshot (93).png
Panoorin ninyo yung mga videos nila, sobrang nakakatawa talaga.

Mga 9 ay nagsaing muna ako ng kakainin naming kanin. 9:45 ng nagluto na ako ng uulamin namin ni ate ngayon. Nagluto ako ng Chicken franks at nagprito na din ako ng dalawang itlog.
Pagtapos kong magluto ay kumain na agad ako dahil sa lagpas 10 nanaman ng umaga. Di ako na tinawag si ate kasi baka kulang din naman yung tulog niya kagabi. Tinuloy ko lang din yung panonood ko ng YouTube. Halos patapos na ako ng pagkain ng bumaba si ate. Naghilamos muna siya bago kumain.

Nag-email na ulit saakin yung recruitment agency ng pinagapplyan ko ng trabaho. Binigyan niya ulit ako ng link para sa isang bagong assessment na kailangn kong sagutin within the day. Bago ko sagutan iyon ay naligo muna ako dahil sa alam ko na irerecord nila ako habang nagsasagot. Inexplain saamin to dati pa na isa ito sa mga tinitignan ng mga HR. Tinitignan nila kng ikaw ay nangdaya. Isa pa sa mga rason ay inaaral daw nilka ng iyong pagsagot sa mga items ng kanilang exam.
Medyo natagalan nga ako sa pagsagot dahil sa sobrang lakas ng ulan dito saamin. Nakakaapekto kasi sa signal dito saamin pagumuulan ng malakas. Matagal kaming nakakareceive ng mga tawag o text pag mga ganitong panahon. Buti na nga lang ay hindi ako na disqualify sa exam ng dahil dito.
Natapos akong magsagot matapos ang halos 30 minutes, nangdahil na rin sa pawalawala ng signal dito sa lugar namin.

Tumigil na rin yung pagbuhos ng ulan ng pagkatapos kong magsagot ng assessment. Nagplano na akong pumunta sa AlfaMart sa labas lang ng subdivision namin para maghulog ng pera sa PayMaya ko. Nagpalit muna ako ng damit bago pumunta doon. Ginamit ko kasi yung pera ko doon sa inorder ko kaninang umaga kaya naman ay ilalagay ko na agad yung perang binigay saamin ni papa. Nagdagdag pa ako ng pera na naipon ko ng mga nakalipas na mga buwan.
Pagdating ko sa AlfaMart ay pumuunta naagad ako sa kiosk ng TouchPay at nilagay ko na yung code at nilagay ko na yung pera. Di ko alam na di pala nagsusukli yung AlfaMart sa TouchPay na nasa kanila. Ang sabi kasi sa paymaya ay nagsusukli daw sila pagmerong sukli. Ayon pala ay di hawak ng store yung kiosk. Mas mabuti nang mag 7/11 nalang ako dahil nagsusukli pa sila pagbuo yung pera ko.

Screenshot (94).png

Pagkabalik ko ng bahay ay nilagay ko na agad yuung hati ng pera ni ate sa Paymaya niya at binigay ko nadin yung cash na kailangan niya sa order niya.
Nakapagluto nadin siya ng kakainin naming meryenda, na dinner na din. Nanood lang kami ng anime gamit yung laptop ko.
Pagkatapos naming panoorin yun ay binuksan ko na yung YouTube at pinanood na yung bagong labas na kanta ng EXO na "Don't Fight the Feeling". Nakakatuwa lang dahil nanadito na din sa MV yung isa nilang kamiyembro na si Lay/Yixing. Matagal narin kasi ng pagsolo muna nya at paghost ng mga shows sa China, kaya medyo nadelay yung pagsama niya sa mga yearly release ng mga bagong kanta ng EXO.



Comments 1


This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

12.06.2021 03:04
0