THE DIARY GAME | 06012021 | 🏳‍🌈🏳‍🌈🏳‍🌈🏳‍🌈 HAPPY PRIDE MONTH 🏳‍🌈🏳‍🌈🏳‍🌈🏳‍🌈


LGBT Speakers
Source

Magandang araw sa lahat. Happy Pride Month to those who are 'outside' and 'inside' the closet. Also to those who supports their friend, family or the whole community of LGBTQ+.
A message to those who are still in the closet. Don't let society pull you outside. Take your time coming out. You're the only one who can say when your ready to go out. Because really, it's not that easy. In my case, my family pushed me to go out. And I didn't like that. The feeling that they want to control me on who will I be in the future is dreadful. And nothing can make me feel worse when they blame themselves because of what I become. Especially my older brother. He blamed himself because, as he said it, he was not there for me. He didn't set an example, he didn't fill the role of being a brother to me. A role model.
I didn't like it when they said it like that. Nothing feels much worse than your own family blaming themselves of what you've become. By the way I'm Bi or Bisexual. Meaning I have romantic attraction, sexual attraction, or sexual behavior toward both males and females, or to more than one sex or gender.


Wikipedia
Source

Sobrang aga kong nagising ngayon kahit pa late na akong nakatulog. Siguro ay naka-3 hanggang 4 na oras lang akong nakatulog. Pagmulat ko pa nga ay medyo inaantok pa yung mata ko, pero yung katawan ko ay gising na gising na. Nag phone na muna ako at tumingin ng mga videos sa TikTok. Ito lang kasi ang alam kong paraan para antukin ako o kaya naman ay antukin ako.
Bigla kong naalala na maglalaba pala ako ngayon dahil sobrang dami na talaga ng labahan. Bumaba agad ako at nag-ayos na ng mga lalabhan ko. Inuna ko munan labhan yung mga puti, itim at mga towel namin. Di ko muna nilabahan yuyng mga decolor dahil sa kulang na din ang mga hanger namin pang sampay. Puro mga nabiyak na ito o kaya naman ay inabutan na ng panahon kaya naman ay naging brittle na yung mismong hanger.

Pagkagising ni ate ay nagpresenta siya na siya na daw ang mag babanlaw ng mga nilabhan ko para ako nalang daw ang mag sasampay ng mga ito. Habang naglalaba ako ay nagluto naman si ate ng mga kakainin namin ngayong araw. Nagluto siya ng tortang talong.
Kumain muna kami ni ate habang nakadowny na yung unang batch ng nilabhan namin.

Matapos namin gmag laba ay nagsi ligo na kami ni ate at nagrelax muuna ng sandali.
Nagpractice na ulit akong tumugtog ng gitara at ng aking violin. Medyo nakukuha ko na yung tamang pang shift sa gitara sa isa sa mga kantang tinutugtog ko. Habang sa pagtugtog ko naman ng violin ay sumunod lang ako sa mga kantang pinapatugtog ko gamit ang aking phone. Mahigit dalawang oras din akong tumugtog.



Source

Tinuloy na namin ni ate ang panunuod ng series na 'Once Upon a Time'. Natapos namin ang Season 5 ngayon at tumaas na pagkatapos naming manood. Naligo na ulit ako dahil sa sobrang init ngayong araw. Habang naliligo ako ay dumating na sila kuya galing Manila. Nag ayos na agad kami ng mga gamit namin dito sa taas. Inayos ko agad ang aking laptop sa table ni mama at yung kama na gagamitin nila kuya.


Comments 1


Encourage po kita na mag gamit lang po nang sariling mga larawan sa bawat Diary Game posts. Salamat

02.06.2021 14:01
0