THE DIARY GAME | 05202021 | 🥛🥛 Drinking water every morning 🥛🥛


Magandang araw sa lahat.

Maaga akong nagising ngayong araw. Mga 6:15 ng umaga, nung tinignan ko yung oras sa phone ko. Pero nakatulog ulit ako at nagising nalang ulit ng mga 9:50 na. At nagising ulit ako sa ingay ng pusa ni kuya.

Pagkababa ko ay kumakain na si ate, at sila kuya naman ay nag kakape na. Kumin na din ako pagkatapos ko munang uminom ng tubig. Sinasanay ko ang sarili ko na uminom ng tubig tuwing paggising ko dahil sa maraming magandang benepisyo daw ito sa kalusugan, at makakaiwas ka sa mga sakit. Pero di maiiwasan na makalimutan minsan na uminom ng tubig. Kaya minsan ay sinasabihan na ako ng mga kapatid ko na uminom ng tubig. Kasi nakakalimutan ko talagang uminom.


Source

Pagkatapos kong kumain ay nagkape na ako. Pagkalipas ng isang oras ay nag workout kami ni ate. Nag workout lang siya ng mga 15-20 minutes pero ok na din ito para sa kanya. Ako naman ay halos mag-iisang oras nag-work out. Dahil sa kakawork out ko lang ulit ay medyo hinahabol ko ulit ang aking hininga. Nag-tea ako pagkatapos kong mag-workout para nadin magtuloy-tuloy parin yung pagpapawis ko. Parang nag sauna na din ako pagginagawa ko ito.
Pagkatapos kong maligo ay nagpractice na ulit akong maggitara. Medyo nakakabisado ko nang tugtugin yung 'Kilometer Zero' ni Ian Pangilinan. Onting sanay nalang ng kamay ko sa mg achords ng gitara, magtutuloy tuloy na yuyung pagtugtog ko sa isang kanta. Medyo nahihirapan parin ako sa pag-shift sa susunod na chords lalo na paiba-iba yung posisyon ng bawat daliri sa bawat chords.

Andrew Carruthers
Source

Pagkalipas ng isang oras ay nag violin naman ko. Sinasanay ko parin sarili kong tumugtog ng violin dahil mas gamay ko naman talaga ito kaysa sa gitara. Mas nahuhhulaan ko kasi yung bawat notes ng isang kanta pag nag viviolin ako. Parang nagpi-piano lang kasi ako pag nag viviolin ako. Madaling hulaan kung anong susunod na tunog na kailangan para mabuo ang isang kantang tugtugin.


The Ramen Rater
Source

Nagluto sila kuya ng dalawang Cheezy ramyeon para saamin lahat, pero di pa ako kumain dahil sa nagtutugtog pa ako ng violin ko at inisip ko na din na gagawin ko nalang pang dinner ko yung niluto nila. Pagkatapos kong tunugtog ay nanood na ulit kami ni ate ng 'Once Upon a Time'. Nasa season 4 na pala kami ng series 😮😮😮. Nandito na nga sila Elsa at Anna sa series, nagulat din ako kasi andito din si Ice Queen (o Winter/Snow Queen) kasi ang alam ko iisa lang sila dahil kinuha lang yung kwento ng Frozen sa Ice Queen.

Fandom.com
Source


✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨

I just like to say Thank you to those who upvoted some of my posts. Most especially @steemitphcurator @steemcurator08 and @team . Big or small vote value, THANK YOU.
You're helping me buy some of my wants and needs.

A BIG THANK YOU TO YOU ALL!!!

✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨ ✨

Comments 1


This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

22.05.2021 03:46
0