THE DIARY GAME | 05192021 | 🎸🎸 Gitara naman ang inaaral kong tugtugin ngayon 🎸🎸


Magandang araw sa lahat. Sana ang lahat ay naging maganda ang araw.

Nagsimula ang aking araw ng mga 8:20 ng umaga. Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hinayaan ko nalang itong mamatay magisa, dahil di naman kalakasan ang ginagawa nitong ingay. Gising na ako pero nakapikit parin ako. Nagbasa nalang ako ng mga stories sa isang blog na binabasahan ko ng mga kwento/istorya na gusto ko. Naka basa ako ng tatlong storya. Araw araw naguupdate ng bagong istorya yung binabasahan ko, at mismong siya mismo yung gumagawa ng mga storya na nasa kanyang blog. Di ko pwedeng sabihin kung anong site, dahil di para sa lahat ang mga kwentong ginagawa niya. 🤭🤭🤭

188534883_321350586044291_3551252028035051963_n.jpg

Matapos kong basahin yon ay bumaba na ako dahil sa nakababa na din naman sila kuya. Maaga daw sila dahil sa ingay ng pusa nila kuya. Di na daw sila natulog ulit ng dahil dito. Ok na din daw na nagising sila ng umaga.
Nakaluto na si kuya ng kakainin pero di muna ako kumain at ginawan ko numa ang sarili ko ng green tea na hinaluan ko ng chia seeds. 10 ng umaga na kasi ako palaging kumakain, para narin disiplina sa sarili. Ganern...
Saktong bumaba na si ate ng kakain na ako, kaya nag sabay nalang kaming kumain. Dahil sa nauna na sila kuyang kumain kanina, bago pa ko bumaba.

Pagkatapos kong kumain ay nagkape naman ako. habang nag kakape ay nanood na muna ako ng mga video sa YouTube at sa iba ko pang social media accounts. Pagtapos nun ay naghugas na ako ng pinagkainan namin at naligo na pagkatapos nun.

Apple Music
Source

Pagkatapos kong maligo ay ibinaba ko na yung gitara para pagpractisan ko naman itong tugtugin. Dahil mas matututo kadaw maggitara pag may tutugtugin kang kanta ay tinugtog ko, o sinubukan kong tugtugin ang 'Kilometer Zero' ni Ian Pangilinan. Natugtog ko naman ito pero di pa yung tuloytuloy katulad nung sa kanta. Medyo nagaadjust pa akong tugtugin yung gitara ni kuya dahil medyo malaki ito, at naninibago pa ako dahil sobrang layo ng size ng violin at ng gitara para makapag adjust agad ako. From 4 strings to 6 strings. From only one-two notes at a time to guitar chords na madaming kailangan pindutin para maganda ang tunog na lumabas. Medyo masakit pero ok lang kasi gusto ko talagang tumugtog ng gitara.
Sinubukan din ni ate na tumugtog ng gitara, at nakatugtog siya ng isang kanta ng Imago, 'Sundo', na natutunan niya dati pa daw. Dahil nasaamin pa yung mga nabili naming songhits dahi ay dito na namin tinignan yung chords ng kanta na tinutugtog ni ate. Nag-violin naman ako ng siya ay tumutugtog, sinabayan ko yung tinutog tog niya. Hinulaan ko nalang kung anong mga notes ang kailangan sa kantang kanyang itinutugtog. Mas madali na kasi saaking hulaan ang mga notes ng bawat kanta pag sa violin, xylophone, o piano ang aking tinutugtog.

Nagluto na si ate ng kakainin namin. Dinagdagan niya ng pasta yung ginawa niyang pasta kahapon dahil sa medyo maalat ang kanyang ginawang pasta kahapon. Tinuloy na din namin ang panonood ng series na napanood namin. Pang ilang series na siguro itong pinapanood namin. Nakakailang series na natapos namin ni ate. Medyo nasasayang na ni ate yung oras niya sa panonood ngg mga series. Di ko ito masabi sakanya dahil medyo wala pa siya sa mood mag aral ulit. Alam ko yung nararandaman niya ngayon dahil nangayi nadin ito saakin. Medyo malala lang ang nangyari saakin dahil maraming idea na ang pumasok saaking isipan noon. Kaya din siguro naging kalmado at tamad na ang aking pananalita.

IMDb
Source
Tinuloy na namin ang panunuod hanggang 8:45 PM. Naka-walong episode siguro kami ngaong araw. Pagtapos namin n panonood ay tumugtog ulit ako ng gitara at nagpractice ulit tugtugon ang Kilometer Zero. Medyo naluluha ko na at nakakabisado k ona din ang bawat chords ng kanta.


Comments 1


This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

22.05.2021 03:34
0