Steemit Philippines Open Mic Week 2- Filipino Music | Baliw na Puso by Jessa Zaragosa | 20% to steemitphcurator


Magandang Araw po sa aking mga kababayan dyan, ako po si @julietpunay17 ng Visayas. Isang karangalan po sa akin na makasali sa patimpalak na ito na pinangungunahan ni @olivia08.

Ang napili ko pong OPM na kanta ay "Baliw na Puso" by Jessa Zaragosa , isang sikat na Filipinang mang aawit, commercial model at aktres. Hindi po ako nakaka relate sa lyrics ng kanta ngunit nagustuhan ko lang po ito dahil sa kanyang tono at talagang naka LSS tong kantang to.

Ang kantang ito ay inihahandog ko sa mga taong nagmahal, nasaktan pero patuloy na umaasang maibabalik pa lahat. Ang kantang ito ay napakasakit kung talagang iintindihin mo ang liriko ng kanta. Isang pusong baliw, literally baliw dahil kahit ayaw na ng tao sa kanya, patuloy pa rin siyang umaasa na babalik ito sa kanya.

Alam po natin na sa dinami dami ng tao sa mundo at sa dinami dami ng mga taong tunay na nagmamahal, hindi natin maitanggi na meron talagang ganitong tao. Ang puso kasi ay hindi nadidiktahan at mahirap turuan ang pusong tunay na nagmamahal. Kung may baliw na tao, yun ay nagsisimula sa baliw na puso kasi sa dinami daming hinanakit na dinadala, naapektuhan ang utak kaya nagiging baliw ang tao. Isa po sa nkaka depress sa atin ay ang maling pagmamahal at pagpili ng isang tao, hindi natin maiiwasan na meron talagang mga taong hindi alam paano ibalik ang mga ibinigay sa kanila. At hindi lahat ng tao na kapag nasaktan, mkapag move forward agad at lalong lalo nang hindi agad nakakalimot. Sa kantang aking kinanta, ramdam talaga natin kung gaano kasakit ang dinaranas ng taong ito, kung gaano siya nangangarap na sana maturuan nya lang ang puso niya upang makalimot sa lahat ng dinanas. Dito kasi pumapasok yung awa nating mga tao, kung tayo ay talagang magmamakaawa sa isang bagay na mahirap nang ibalik, tayo pa rin ang kaawa awa kasi kung babalik man ang taong iyan, hindi na pagmamahal ang ibibigay sayo kundi Awa nalang.

May mga taong talagang kayang gawin lahat upang maibalik lang ang taong mahal nila, at may mga tao ring may pinaninindigan sa buhay, na kahit anong pilit ang ginawa sa kanya, hinding hindi na talaga sya babalik.

Ang kantang ito ay dapat pinupulutan ng aral, kung ayaw na ng tao sa atin, dapat tayo ay gagawa ng paraan upang mkapag move on dahil hanggang tayo ay buhay pa, meron pa talagang pag asa. Huwag nating ibuhos lahat ng pagmamahal natin sa isang tao, magtira din tayo para sa ating sarili nang sa ganun, kung may mangyari man na masakit, hindi agad tayo nawawalan ng pag asa at hindi natin matatawag na baliw na puso ang ating sarili.

Ito po ang liriko ng kanta:
"Baliw na Puso" by Jessa Zaragosa
Source: https://www.lyricsmode.com/lyrics/j/jessa_zaragosa/baliw_na_puso.html

Bakit ikaw ang laging naalala ko
Kahit nagbago pa ngayon ang damdamin mo
Bakit 'di ko malimot ang isang tulad mo
Kahit alam ko nasa puso mo'y 'di ako
Sana'y naturuan ang puso ko na limutin ka
Na ang sakit ay 'di na madama

Hindi pa rin malimot ang isang katulad mo
Bakit kaya 'di magawa kahit pilitin ko
Hanggang saan aabot ang damdamin kong ito
Baliw na puso'y bakit ganito

Batid naman ng puso kong meron ka ng iba
Heto ako't naghihintay pa rin sa iyo sinta
Sadya kayang walang katulad mo
Bakit nga ba
Hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

Bakit ikaw ang laging naalala ko
Kahit nagbago pa ngayon ang damdamin mo
Bakit 'di ko malimot ang isang tulad mo
Kahit alam ko nasa puso mo'y 'di ako
Sana'y naturuan ang puso ko na limutin ka
Na ang sakit ay 'di na madama

Hindi pa rin malimot ang isang katulad mo
Bakit kaya 'di magawa kahit pilitin ko
Hanggang saan aabot ang damdamin kong ito
Baliw na puso'y bakit ganito

Batid naman ng puso kong meron ka ng iba
Heto ako't naghihintay pa rin sa iyo sinta
Sadya kayang wala ng katulad mo
Bakit nga ba
Hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

Sadya kayang wala ng katulad mo
Bakit nga ba
Hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

Yun lamang po at maraming salamat sa inyong lahat πŸ™‚


Comments 31


Maraming salamat sa pagsali. Good luck @julietpunay17

13.10.2021 01:05
0

Maraming salamat din po😊

13.10.2021 01:24
0

ang galing!!

13.10.2021 04:52
0

Salamat po😊

13.10.2021 05:52
0

Ang galing πŸ˜ŠπŸ‘Œ

13.10.2021 13:25
0

Salamat po😊

13.10.2021 13:29
0

Nice song po. Goodluck!!!

13.10.2021 15:40
0

Salamat po😊

16.10.2021 05:33
0

Wow, ang ganda nang boses ehh, parang si Carol Banaua.. God Bless!!!

13.10.2021 17:05
0

Maraming salamat po and godblessyoutoo😊

16.10.2021 05:34
0

Wow.. galing naman... πŸ₯°

13.10.2021 22:47
0

Thankyousomuch po😊

16.10.2021 05:34
0

Nice voice keep on singing for #steemitphilippines, good luck!

14.10.2021 00:58
0

Maraming maraming salamat po😊

16.10.2021 05:35
0

Galing naman!

14.10.2021 09:55
0

Thankyoupo😊

16.10.2021 05:35
0

Ganda ng boses mo, good luck.

14.10.2021 15:09
0

Maraming salamat po😊 godbless.

16.10.2021 05:36
0

ang galing nman po.

15.10.2021 06:26
0

Salamat po😊

16.10.2021 05:36
0

nice one :)

15.10.2021 06:43
0

Nice two, charrr heehee salamat po ng marami😊 keep safe kayong lahat at god bless sa inyung lahat😊😊😊

16.10.2021 05:38
0

Ang galing naman, bou ang boses. πŸ‘

16.10.2021 09:14
0

Salamat po😊😊

17.10.2021 12:21
0

Walang anuman.patuloy lang sa pagkanta. Gamitin ang talento. πŸ˜ŠπŸ‘

17.10.2021 13:13
0

Wow mga singers jud diay ning inyo family dae @mariarosa27 😊. Nice kaayo ug voice gyud, c ate nmu @reycel paapila pud para makita jud ang mga talented na pinoy.😍

16.10.2021 09:56
0

Hahaha sila rajud te wew ay, pisik ra jud ni akoa πŸ˜‚ tapulan kaayo nis @reycel te oy kapoy sig remind hahahaha..

16.10.2021 13:09
0

Hahahaha... Kalingaw sa pisik oy, mura mag uwan. At least napiskan gihapon dae, asa mn imo entry?

16.10.2021 14:04
0

Wahahaha, kung sa dahon pa te, udlot ra ko πŸ˜‚. Wa ko kapasa te nalimot ko deadline na hahaah. Nxt nalang kung naa pa haahha.

16.10.2021 15:50
0

Ka nays og voice uy

16.10.2021 13:55
0

Salamat te hehe😊

17.10.2021 12:20
0