Open Mic OPM Contest: Paminsan-minsan By: @jb123


Maganda hapon sa lahat, at sa lahat na magigiliw na magbabasa at tagapakinig dito sa @steemitphilippines. Ngayong hapong ito ay nais kong ibahagi sa inyo ang aking talento sa pagkanta.

Pero bago ko sisimulan ay nais ko palang pasalamatan si nanay @olivia08 para sa kanyang magandang patimpalak na tyak magagamit talaga ang mga tinatagong magagandang talento.

Ang kakantahin ko ngayon ay pinamagatang, Paminsan-minsan By: Richard Reynoso


Title: Paminsan-minsan
By:Richard Reynoso

Paminsan-minsan, naaalala pa rin kita
Kahit ngayon mayro'ng nagmamahal na ngang iba
Tuwing maiisip itong damdamin, nagbabalik
At para bang nariyan ka pa sa aking tabi
Muling nadarama ang yakap mo
Natitikmang muli ang halik mo
Naririnig, sinusumpang ako ay mahal mo

Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang

Paminsan-minsan, tinititigan larawan mo
Unti-unting pumapatak ang luha ko
Pinagsisihan lahat ng aking pagkukulang
Kaya ikaw nga sa akin ay lumisan
Kahit ngayon, mayro'n akong iba
Kahit sinasabing mahal ko s'ya
Sa puso ko, ikaw pa rin ang mahal ko

Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang

Tapos...

Napili ko itong kanta kasi sumisimbolo ito sa masakit na pag-ibig na naranasan ng isang tao. Kahit masakit man tanggapin na lumisan ang babaeng pinakakamahal niya at pumunta sa iba ay naaalala pa rin ang matatamis na kahapon.

Kahit may kapiling nang iba ang lalaki ay sa puso at isip niya, tanging ang unang minahal ang palaging iniisip. Ang unang minahal o first love ay hindi mabubira sa isipan ng tao kailan man, dahil ito kasi ang nagpasimulang umibig ang puso ng isang inosente at hindi pa nakaranas ng pagmamahal kahit kailan.

Nasasabi ko ito dahil, sapol ako sa kantang ito. Noong una ko itong kinanta, ay napaluha ako talaga dahil damang-dama ko talaga ang kantang ito. Pero nang kalaunan ay wala nang luha ang dumdaloy sa aking mga mata.

Bago ko pala tataposin ang entry ko ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @jewel89 at sir @long888 para sa patimpalak na ito.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang hapon sa ating lahat.

Mabuhay Steemit Philippines

jb123.gif


Comments 4


Thanks for inviting me. Talaga naman pag tamaan ni cupido, sapul ang puso, but learn to move on.

16.10.2021 08:58
0

Yes ate. Sa ngayon, kinalimutan ko na talaga siya. 😊 Maraming salamat sa pagbisita sa aking post ate. 😊

16.10.2021 08:59
0

Sobrang sakit naman po ng kinanta ninyo hehe. Btw,nice voice po!

17.10.2021 07:29
0

😂😂 talaga? Pasensya na. Maraming salamat sa pagbisita mo sa aking post. 😊

17.10.2021 07:32
0