Steemitphilippines Filipino-Music Open Mic Week#5 Contest/Paminsan-Minsan



Magandang Araw po sa lahat ng miyembro ng Steemit Philippines sana nasa mabuti tayong kalagayan at mag ingat po tayo sa panahon ngayon.Sana magustuhan niyo ang aking awit na may kalakip na kwento ng aking buhay.
Ito ang napili kong kanta dahil na relate ko ang nangyari sa aking buhay.
Ako ang isang single mother na may isang anak na babae.Ang nangyari kasi sa amin apat na taon kaming magkasintahan hanggang sa ako ay nabuntis ang saya saya nya dahil magkakaanak na daw kami. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko dahil alam ko sa sarili ko na magagalit talaga mama ko wala na ang papa ko sa panahon na yon patay na siya wala na akong kakampi.Noong nalaman nila na buntis ako ng isang buwan hindi nila matanggap yong nangyari sa akin kasi bunso ako pinatawag yong lalaki  nag uusap sila pero wala yong magulang ng kasintahan ko kasi wala silang gusto na ako yong mapangasawa ng kanilang anak hindi ko alam bakit sila ganoon .Iyong pag uusap nila wala ring nagyari kasi gusto ng mama ko ikasal kami sa taon na iyon kaso hindi nga pwede kasi yong kasintahan ko may kapatid na ikinasal sa taon na iyon buwan ng Mayo at yong kapatid kong babae ikinasal din sa taon na iyon sa buwan ng Agosto tapos nangyari kami buwan ng  Oktubre sa taong 1993.May kasabihan kasi na bawal ikasal ng sabay sabay ang magkapatid sa iisang taon.Iyon nga walang nagyari  sa kanilang pag uusap .

Kinabukasan umalis ako sa kanila kasi palagi rin naman nila akong inaaway sa mga kapatid nya at pamangkin palagi nalang akong umiiyak sa bahay nila kaya lumisan kami doon sa isa niyang kapatid . At noong doon na ako nakatira sa isa niyang kapatid doon din ako kinuha ng mama ko pinadala ako sa Mindanao at doon na din ako nanganak ng Hunyo 1994. Pagdating ng Setyembre 1994/may natanggap akong sulat galing sa pinagtrabahon ko isa ring malaking kompanya dito sa Mactan Economic Zone Lapu Lapu city na recall for work ako noon kaya lang nahuli ako kasi Oktubre na ako nakabalik.Kinailangan kong maghanap ng trabaho kasi may anak na akong bubuhayin.Kahit anong  trabaho pinasukan ko  basta marangal lang na trabaho kakayanin ko para sa aking anak.Nang matanggap na ako sa trabaho kailangan  kasi magkaroon ng kompleto na requirements para makapagsimula na pero wala akong pera ayaw ko namang humingi ng pera sa mga kapatid ko wala na akong choice lumapit na ako sa boyfriend ko at iyon binigyan nya ako ng pera para sa aking requirements
Isang araw dumating sa ponto na gusto na niyang  magkaroon na ng pamilya sinabi niya na aalis kami dalhin iyong anak namin mahirap para sa akin yon, kasi mama ko nag aalaga sa anak ko.Ayokong aalis na hindi kasama anak ko kaya sabi ko kong gusto mo nang magkaroon ng pamilya maghanap ka nalang ng iba kasi ayaw ko ng gulo. Ilang beses niyang sinabi sa akin yon binalewala ko lahat kasi natatakot ako. Hanggang sa nalaman ko lang na may kinakasama na siya hanggang sa magkaroon sila ng dalawang anak. Masakit para sa akin yong nangyari sa amin parang hindi ko kakayanin noon Pero iniisip ko anak ko iyon yong nagbigay sa akin ng lakas.Pero kahit may kinakasama na siya ganoon pa rin siya sa amin. parang walang nagbago magkikita pa rin kami nag uusap at sa lahat ng mga espesyal na araw tulad ng kaarawan ko kaarawan ng anak ko, Pasko pumupunta siya sa bahay namin kahit hindi silaag uusap ng g mama ko. Hanggang sa makatapos ng kolehiyo ang anak namin at ngayon isa na siyang enhenyero at nakabasi na siya ngayon sa Japan.
Isang Araw nag uusap na naman kami buwan ng Setyembre yon kaarawan ko taong 2015 sabi niya pag siyya daw namatay pupunta ba daw kami sabi ko depende sa sitwasyon at sabi ko sa kanya pag ako namatay ayaw kong pupunta siya baka masapak ko siya kahit patay na ako, nagagalit siya biglang umalis ng walang paalam. Mula noon hindi na kami nag uusap wala na akong balita sa kanya. After six years ngayon lang taon buwan ng Oktubre muli kami  nagkita pero hindi kami nagpapansinan  tinginan lang kami pareho kaming nabigla at hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap.Hindi na ako naninibago sa kanya kasi nakagawian na niya na pag hindi niya kami makita hahanap hanapin niya kami ng anak ko. Ito po yong kwento ng buhay ko sana nagustuhan ninyo. Maraming salamat po sa lahat .
Ito po iyong lyrics ng kanta
PAMINSAN MINSAN:by Richard Reynoso

Paminsan  minsan
Naaalala pa rin kita
Kahit ngayon mayroong
Nagmamahal na ngang iba
Tuwing maiisip nitong damdamin
nagbabalik
At para bang nar'yan ka pa
sa aking tabi
Muling nadarama ang yakap mo
Natitikmang muli ang halik mo
Naririnig sinusumpang
ako ay mahal mo

Paminsan minsan ang alaala mo'y
nagbabalik
At aaminin ko hanggang
ngayon
Ikay iniibig
Hinihiling ko na kahit nasaan
kaman
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang

Paminsan  minsan
Tinitingnan larawan mo
Unti unting pumapatak ang
luha ko
Pinagsisihan lahat ng aking
pagkukulang

Kaya ikaw nga sa akin ay
lumisanang

Kahit ngayon mayro'n akong
iba
Kahit sinasabing mahal
ko siya
Sa puso ko ikaw pa rin
ang mahal ko

Paminsan minsan ang alaala
moy nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon
ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasaan
ka man ngayon
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang

Nagpapasalamat po ako kay maam @olivia08 sa patimpalaka ito.

Inaayayahan ko pong sumali sa patimpalak na ito sina @angelycong @itsmejos @maris75

Best w wishes
@gracetorrion


Comments 12


Maraming salamat sa pagsali sa contest at good luck. Ginoo ang sakit . Tulo luha ko

10.11.2021 10:16
0

Totoo po yan maam ang sakit pero kailangan kong palakasin ang aking loob para sa aking anak

10.11.2021 12:01
0

Hindi ka nagkamali sa pinili mo kasi baka kung ngkatuluyan kato baka di maging successful anak mo. Mahalaga ang anak nasa imoha.. Pastilan oi.. Wala ka ngminyo lain?

10.11.2021 12:30
0

Hello maam wala ko nagminyo lain maam malooy man ko sa akong anak babae baya focus nalang gyod ko sa iyaha

10.11.2021 14:07
0

Tama kaayo ka, sa imp decision. Ayaw lang pag Maam oi.. Sister lang. Puhon mka apo ka malipay kana.

10.11.2021 17:48
0

Naiiyak ako sa storya mo ate. Pero tama po yan, ang anak ang isa sa mga pinaghuhugutan ng lakas ng loob upang lumaban sa hamon ng buhay.

Manalig lang palagi sa Panginoon para magabayan pa kayo lalo.

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong storya sa likod ng iyong kanta ate. 👏👏

10.11.2021 10:32
0

Salamat po maam

10.11.2021 14:09
0

Walang anuman po. 😊 Salamat sa pagbahagi ng iyong talento po. Godbless 😊

10.11.2021 14:10
0

Hmm, kasakit sa lovelife mo but di bale nandyan man anak mo, yan ang importante.

10.11.2021 12:43
0

Yes po maam mahalaga talaga sa akin ang anak ko

10.11.2021 14:11
0

ang sakit naman...

11.11.2021 06:01
0

Totoo po maam ang sakit pero kailangan mag move on

11.11.2021 10:03
0