Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon: Unang byahe sa taong ito #2020๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š


Magandang Buhay mga ka #steemitdora๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Sa pag pasok ng taong ito ay may natanggap agad ako na blessing mula kay papa God.๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜ŠOpo blessing.Sa pagkain na aming inihanda,magandang pangangatawan at kung anu-ano pa sa pagsalubong na bagong taon.๐Ÿ˜ŠNasundan naman ito agad na matatawag ko pa rin na biyaya ng maykapal.Ako ay naanyayahan ng aking kapatid na kung sasama daw ba ako sa kanilang paglalakbay.Dahil ang amo niya ay gustong maglakbay sa Silangang Bahagi ng Samar upang makita at mapuntahan ang kasasauli pa lamang na kampana sa bayan ng Balangiga.
dh9fp3m207.jpg
At syempre dahil nga para sa akin blessing na ito,kaya hindi pwdeng hindian.๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜ŠKaya ito naman si ako maski sabit lang,isinabit ko na rin ang boyfriend ko @Noel101๐Ÿ˜ŠWala ng hiya-hiya sa panahon ngayon,iyon ang sabi ko sa kanya.๐Ÿ˜ŠParang ayaw pang sumama dahil nga daw nakakahiya.Pero syempre bago ko siya sinabit,ipinag paalam ko muna siya sa amo ng kapatid ko kung pwede ko ba siyang isama,at iyon nga dahil na kasama siya it means okay๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š
b8rrbr822z.jpg
Para sa inyong kaalaman: "Ang nasabing kampana ng Balangiga ay kinuha ng Hukbo ng Estados Unidos mula sa simbahan ng San Lorenzo de Martir sa Balangiga,Silangang Samar bilang tropeo ng digmaan bilang ganti sa pag paslang sa 48 na Amerikanong sundalo sa bayan ng Balangiga.Ang ilang mga Pilipinong Romano Katoliko,ilang opisyales ng gobyerno,at mga mamamayan ng Balangiga ay hinangad na maisauli ang mga kampana simula noong 1950s ngunit hindi sila nabigyan ang kanilang kahilingan.Nagkaroon ng pag aareglo noong 2018, at naisauli rin sa pilipinas ang mga kampana noong ika-11 ng Disyembre 2018,makalipas ang 117 taon."
-----wikipedia.org-----
dgwuvl57am.jpg


Comments 0